Monday, February 28, 2011

it's hard to say goodbye!!!

masakit ang salitang paalam...

pero kung yun ang makakabuti.. mas magandang yun na lang ang panghawakan...

sapagkat... mas mainam na ang paglayo ang maging solusyon sa mga bagay na hindi natin gusto o inaasahan...

ang hirap kasing ipagpatuloy ang nasimulan kung ang nagiging daan o ang nagiging patutunguhan nito ay di akma o naaayon sa inaasahan nitong patunguhan...

may pagkakataon sa ating buhay na kailangan nating magsakripisyo... isakripisyo ang isang bagay o tao para sa ikabubuti ng lahat...

merong mga taong nadadamay ngunit hindi naman talaga nararapat na sila ay masangkot...

ayaw ko lang na dumating sa tagpo na mamili ka sa pagitan ko at ate B. dba? para kang naiipit sa dalawang nag-uumpugang bato? ayaw kitang pahirapan... mas maganda na lang na ako ang lumayo... sa huli, alam ko namang siya ang pipiliin moh sapagkat mas matagal moh siyang naging kaibigan...

ikaw at si kua C. na nga lang ang taong maituturing kong kaibigan ng lubusan pero dumarating sa punto na ako nga pala ang nakisali lang sa pagkakaibigan ninyong tatlo...

sa totoo lang, mababaw lang naman yung ikinagagalit sa'yo... napadaldal ka kasi eh... pede namang d na sabihin, idinaldal pa... mabuti kung sa unang pagkakataon lang... pero hindi eh!!! ilan? maraming beses na... di ko na kailangang isa-isahin...

siguro, ito na lang ang ginawa kong paraan parang lalong di ka mahulog sa akin... diba nga sabi ko sa'yo, walang magbabago... normal pa din ang ituturing ko sa'yo sa kabila ng nangyayari... pero, nagmumukhang tinotolerate lang kita... baka lalo kang mahulog sakin... pero, d naman yun nararapat... ayokong mag-expect ka sa isang bagay na sa huli, hindi ko kayang ibalik sa'yo... alam moh naman yun diba? malinaw naman ang lahat simula pa man...

ang pag-iwas at paglayo ay di nangangahulugan na kinalimutan na kita... kahit papano meron din naman tayong napagsamahan... kung magbabalik ang lahat sa dati, hindi na siya 100%.. 

nagpapasalamat ako sa'yo... (unlimited!!)

humihingi din ako ng kapatawaran...

p.s.
para di ka na magselos... kayong dalawa na ang nilayuan ko.. wag niyo na akong isipin... mabuti naman ako... magiging masaya ako senyong tatlo nina ate B., kuya C. at IKAW!!!

hanggang sa muli...


klaverin...

2 comments: