Ayun...
Para iwas issue at para din matuldukan na ang lahat ng kung anu anong mga bagay na pumapailanlang, mas minabuti ko na lang na tanggalin ko kayo as friends sa fb at sa contacts q sa phone, as in kayong tatlo... ayoko na kasing magkaroon ng kung anu pa mang bagay na nag-uugnay sa atin bilang isang indibidwal. mas mabuti na lang na orgmates tayo at d na lang maging kaibigan... ayoko naman na ang isang tulad ko ang sisira sa inyong mabuting pagsasamahan... wala ng AKO ang magiging issue ng inyong usapan... dba, nung nawala na AKO, wala na kayong pinoproblema?
Nakisangkot lang naman AKO sa inyo... wala ng taong magseselos sapagkat di na mahahati ang oras niyo para sa kanya... mas mainam siguro na ganun na lang ang nangyayari...
As of now, ayos pa naman ang nangyayari... kala niyo ba ganun kadali ang lahat ng ito ha? d kaya... nahihirapan din ako... pero ito lang ang sa tingin qng makakabuti para sa lahat...
Salamat na lang sa panahon at oras na nakasama ko kayo... d ako nagsisisi sapagkat nakilala ko kayo ng lubusan... sa panahong kelangan ko ang tulong, anjan naman kayo para ako ay suportahan... na-appreciate ko naman yun... swear...
Sige na... PAALAM na lang mga kaibigan...
No comments:
Post a Comment