Noong nakaraang lunes (Enero 3) ng ika-10 ng umaga....
Nagising na lang ako sa malakas na boses ng isang babae... para bang naalimpungatan ako at tila wala sa wisyong bumangon ng kama...
Nakakainis... nabitin ang masarap kong pagkakatulog...
Aba, ang nanay ko, may kausap sa kanyang fone... ayun, overseas call daw mula sa kanyang college friend na isa ng asensadong businesswoman sa Canada. sino ba naman ang hindi makakarinig sa kanilang usapan, napaloudspeaker kaya... bawat detalye, talaga namang narinig ko!!! (napatsismoso si tanga!!!)
Biglang namilog ang aking mga mata ng marinig kong darating daw ang kanyang kaibigan sa Enero 20... pinpupunta ang nanay ko... may ibibigay daw regalo sa kanya at pati daw saken... natuwa naman ako ng todo todo.. nakita niya kc sa facebook na birthday ko daw dis jan 19.. kaya ayun, napagdesisyonan na sa jan 22 kami pupunta ng Cavite... isasama daw ako ng nanay ko para gawing interpreter kapag kakausapin siya ng asawa ng kanyang kaibigan... aba, napagaling ah... ako ang paduduguin ang ilong... sige, sasama na nga ako... para matanggap ko na din ng personal ang regalo... hehehehe...
Ayun na nga, habang nag-aalmusal ako nun, nauulinigan ko pa din ang nanay kong kausap... napatagal ah... tapos na ako't lahat, nakababad pa din sa telepono... ahm, pagkatapos ko, kinukulit ko ang nanay ko na magpapagupit ako, mejo napalamba na kasi ang buhok ko eh... abah, napagalitan ako, kinukulit ko daw sya... (sabagay tama naman!!!) may kausap nga naman ang tao...
Humihingi ako ng pampagupit sa kanya kaso di ako pinapansin... napabusy!!! ahm, nung naisipan kong kumuha ng barya sa sahig, agad akong sinaway ng nanay ko!!! (nagsabog kasi siya ng barya nung bagong taon!!! wag daw namin gagalawin yung mga baryang nakakalat sa sahig!!! masyadong naniniwala sa pamahiin!!) tumigil naman ako at dali-dali ng inilapag ulit sa sahig ang napulot na barya... hehehehe... sinabing sa basong may lamang barya na lang ako kumuha, yung nasa lamesa namin... kinuha ko naman agad at walang patumanggang umalis ng bahay para magpagupit!!!
Habang naglalakad para umalis ng bahay, ndi pa din mawala sa isip ko kung anung ireregalo saken, naghahangad aq na sana... abah, napademanding naman aq sa aking iniisip... anu kaya yun? hulaan moh na lang...
Mga ilang minuto ang lumipas, nakarating nako sa barber shop na pinagpapagupitan ko. (affordable naman kasi ang presyo at maganda pang maggupit unlike sa mga salon.. napamahal pa!!!)
napa-WOW na lang ako sa dami ng taong naghihintay sa kanilang turn... pang 9 pa daw aq sa pila... akala ko pang 6 ako kc nga anim lang kaming andun... ang pota, may 3 pa palang nagpareserve... kulang na lang mapatumbling aq sa gulat.. di na lang ako maxadong nagreact.. baka mapahiya pa ako... umupo na lang ako sa isang upuan at dali-daling hinawakan ang fone ko, baka sakaling may nagtext... wala naman akong nakita... sinubukan kong libangin ang sarili ko, mage-fb na lang ako sa fone q...
LOADING!!! aba naman!!! napatagal sa pagconnect sa fb ah.. nakakainiis... ayun, sa tagal ng pag-aantay ko... nakaconnect din... sumambulat saken ang sandamukal na notifications... hindi ko naman mabuksan lahat... ang BAGAL nga kc ng pagloload... sa sobrang inis ko, in-out ko na agad...
Wala na akong magawa, nakakatamad.... tumingin na lang ako sa dingding na nakalagay ang iba't ibang style ng gupit... wow... ang gaganda ah... yung uso ngayon... ini-imagine ko kong bagay saken yun... ay, parang di naman!!! wag na nga lang....
Ilang oras na din akong naghihintay, nakaramdam na naman ako ng gutom, nagpunta ako sa malapit na tindahan para bumili ng makakain... panlaman sa kumakalam na sikmura...
Dumating na ako sa barber shop, napatagal din pala akong umalis... naglakad lakad pa nga pala ako, malapit ng matapos guputan yung isang bata at ako na ang kasunod...
Nainggit naman ako sa kanyang gupit... gusto ko ng ganun... nanghinayang ako... d naman kasi bagay saken ang ganun... pati, ang panget ng tubo ng buhok ko... ayun, dating gupit... as usual TRIM..
Habang ginugupitan ako, nakikipagkwentuhan ako... ayoko kasi ng tahimik... dinaldal ko si manong... kung anu anu na ang tinanong ko... abah, halatang nakukulitan na... abah, irritable si tanga...
Sabi ko, gusto ko nga ng gupit kagaya nung sa bata... sabi naman niya, d daw bagay sa buhok ko... napakapal daw!!! dahil wala akong nagawa... um-oo na lang ako... kawawa naman...
Tinanong ako kung mabalbon daw ako, wala naman akong kagatol-gatol na nagsabi ng OO, sabay pakita ng legs kong punung puno ng buhok... abah, napalakas ang tama ni tanga... para daw akong unggoy!!! take note... UNGGOY daw...
Aba, nagpanting ako at walang patumangang sinabi ang mga katagang ito, "Kung unggoy ako, anung klaseng organismo ka? amoeba? aba, POKER FACE si tanga!!! napatawa na lang ako... walang pagsidlan sa tuwa...
Buti kakatapos lang ahitin ng labaha ang patilya ko, kung hindi, baka duguan na ako...
in all fairness, maganda naman yung gupit saken... natuwa naman ako sa naging resulta... pero hindi pa din na-achieve ng barbero yung gusto ko...
hindi muna ako umuwi ng bahay... deretso agad sa comp shop at nag-fb at binuksan ang blogspot ko. nagbabakasaling merong latest development!!! umabot din ako ng 2 oras tapos umuwi na din...
Dumating ako ng bahay... wala ng tao... naisipan ko ng maligo... humarap muna ako sa salamin para tingnan ang sarili ko... WOW ang gwapo ng nasa salamin ah... abah, naging narcistic si tanga!!! naligo na ako... natapos... nagtuyo ng katawan...Saka ko naisipang matulog...
Nagising na lang ako ng hapon na... humarap ulit ako sa salamin sabay sambit ng katagang, "PARANG DI KAW YAN AH?" ang gwapo ah!!! hehehehee... (pampalubag loob sa sarili!!!)
d ko napost yung pic ko eh... ndi pa kc ako nag-aupload!!!
ReplyDelete