Sa pagtatapos pa lang ng araw bago sumapit ang CHRISTmas break, excited na ang lahat... animo'y lumulutang na ang kanilang mga kamalayan, wala na sarili kung baga... (napa exag naman!!!)
Maraming bagay na ang kanilang pinaplano... kung ano ang mga bagay na interesting gawin, kung saan sila magbabakasyon, anong ireregalo sa pamilya't kaibigan,at kung anu ano pang mga bagay...
Waring sa isang pagkakataon ay nalilimutan na ang mga bagay na dapat nilang gawin especially in terms of acads or other obligations concerning with their work... masyado ng nalunod sa ecstacy sa pagnanais na makalimutan kahit sandali ang lahat ng ito at enjoyin ang kakaunting oras para pasayahin ang sarili...
OO!!! Naging masaya nga ako sa panandaliang oras na yun pero....
Eto na ang realidad... tila abot kamay ko na ulit... ilang araw na lang... 2 araw na lang ang nalalabi... ang pinaka aayaw ko sa lahat... resume na naman ng class... grrrrr...
Pero ano? anong ginagawa ko? nakababad sa harap ng monitor ng computer na ito... nagee-fb and at the same time, ayun,naghahabi ng mga salita para magkalaman ang blog ko...
Ayun, kelan ko kea sisimulan ang mga dapat kong gawin?
Gawa exercise at review para sa farm business accounting kasi malapit na ang exam at para sa case farm, data para sa term paper at debate sa agricultural finance, exam din sa statistical economics at kung anu ano pa...
Anu ba yan? napadami masyado... kaya pa kayang maabsorb ng utak ko ang lahat ng to? memory overload na naman..
Hayz( isang malalim na buntong hininga!!!))
For sure, pinahihirapan ko na naman ang sarili ko... magpapakahuggard na naman ako at magkacram sa pagrereview...
Abah!!! nature ko na ba talaga 'to? sabagay, di lang naman ako ang nakaka-experience ng ganitong sitwasyon.. malaki ding bahagdan ng estudyante ng UPLB ay ganun din naman ang ginagawa...
Anu yun? uso uso lang... kelangang maki-belong? hehehehe...
Bukas na bukas din, gagawa na ako... kelangan na nga palang magbagong buhay... pero 'di ako nangangako... baka mabali pa...
Kanina, habang kumakain ako, nakikinig ako sa radyo, sabi ng disc jockey... ndi na daw siya maggagawa ng new years resolution di din naman niya natutupad, sayang lang sa papel at tinta ng bolpen.. kea ako, ganun na lang din ang gagawin ko...
Aun, back to the topic...
Ahm, anu na bang solusyon sa sakit ng karamihan? Animo'y isang epidemyang unti unting nilalamon ang kaisipan ng lahat..
Habang ginagawa ko ito, ayun, me nagpop out na message mula sa isang friend na classmate ko sa ilang subjects... aun, kagaya ng problema ko, ganun din siya... di ko na lang babanggitin ang kanyang pangalan... nagtatanong kung kelan ang mga exams at deadline ng mga requirements...
Aun, panic mode na siya... nakikinita kinita ko ang aking sarili sa kanya pero inadvise-an ko siyang magchill... relax... everything's gonna be alright (parang part lang ng lyrics ng isang kanta!!!)
hehehehe!!!
Naniniwala talaga ako na nasa huli ang pagsisisi... after ng lahat ng kasiyahan, panibagong problema na naman ang naghihintay!!! pero keri boom boom lang yan!! wala naman tayong problema na di nalalampasan dba?
Christmas sickness lang yan... lilipas din yan!!! wala namang gamot ang pedeng gumamot jan eh!!! disiplina lang talaga ang kailangang taglayin ng karamihan!!!
Naguluhan naman ako kung ano ba yung tinutukoy mo na "Christmas Sickness". Yun ba yung cramming? Hindi ba perrenial problem yan ng most students?
ReplyDeletekatamaran ng students kapag christmas break!!! wow, talagang perennial ha? anu yan crop? nyeheheheh!!!
ReplyDeleteKilala ko yata yung tinutukoy mo dito klaverin...si Bella? :-)
ReplyDeletehindi si bella!!! d q naman xa classmate eh!!! ibang org!!!
ReplyDelete